Saturday, July 28, 2007

BALROG Dictionary

This started from a conversation I had with Nick about movies and missing the recent Pirates flick; of which I added that I should be in a "right" frame of mind watching the movie for I slept through the latter part of the 2nd movie. Was just too tired then. I was out like a light in the cinema. The word I used to describe me then was.."BORLOG!!!" That started it all. (we were both laughing like crazy and prompt people to ask what we both were on...gee, crack and saccharine?)

So for a week, I had funny images and situtations of our beloved creature in my head. And these are the result... Happy Reading! - CAZ/Greyhame

ps. For the non Middle Earth denizen, Balrog is the creature that Gandalf fought in Fellowship of the Ring, hence the pic. And no...we don't look alike but if sleepy, sluggish and pissed I can probably be its twin.

 

BALRUGAN - Isang uri ng pagkatha ng mga salitang nauukol sa katangian ng isang BALROG.

BALROG - Isang nilalalang na ubod ng kasamaan na nababalot sa apoy, may pakpak, sungay at may hawak na latigo. Nakatira sa ilalim ng Moria. (di sya cute)

BORLOG - Sleeping BALROG in the Cinema

BUANG - BALROG na natawa at nawala sa sarili

BUGAK (1) - Ang paghalakhak ng BALROG na Katawag pansin

BARLA - ang BALROG na nangwawarla

BARLUSH - BALROG na Bading (minsan may shades of Purple)

BAR - Kung Saan sila nagtitipon

BING - ang pagtatawag ng 2 bading na BARLOG

BOKYA - Barlog na nabuko sa kakapanggap

BONNGA - Balrog na tanga!

BAKTOL - Balrog na tumira ng katol

BANTHA - Isang nilalang na walang kinalaman sa Barlog. (dahil Star Wars yun, engot!)

BARLOW - Apelyidong pangtao na gamit ng isang Balrog pag nasa mundo ng tao. (naging Boy Band at one point in the 90's)

BULKAN - Isang typo na nangyayari sa pagmamadali ng pag-type ng isang Balrog sa makinilya. Ibang nilalang kasi. (Star Trek reference: Di maarok ang matalas na tenga) - Balrog shakes head.

BELAT - Ang stretch marks sa puson ng isang Balrog na nanganak.

BLAG - Isang nadapa na Balrog

BLABAG - Ang nadapang Balrog na may nadaganan. (Maari kapwa Balrog din)

BLAGABAG - Ang pagbagsak ng mga gamit tulad ng Ref, malaking Plasma TV, Aircon, Tall Bookshelves, at anumang malapit o katabing gusali mula sa BLAG o BLABAG ng isang Balrog. (Hayop!)

BALABAL - Scarf ng Balrog (di magamit, laging sunog)

BAYOT - Balrog na mahilig sa iyot. (Halay!)

BALWA - Balrog na nakatingin sa KAWALAN

BALURA - Balrog na nagmumura

BAKTONG - Balrog na bakat ang utong. (Ouch, maapoy!)

BALUWA - Balrog na luwa ang dibdib (wow laki)

BALIKO - Balrog na mahilig maglaro ng piko.

BALTIK - Balrog na may alagang Itik.

BANTOG - Balrog na nauntog. (laki kasi)

BATIK - Balrog na Adik

BATING - Balrog na nakalulon ng kuting. (uy si ALF!)

BANLAG - Balrog na nalaglag. (sa puno?)

BALMANG - Balrog na Timang

BORAT - Balrog na maarat. (Huh? May lahing Hapon)

BUGAK (2) - Balrog na namutla sa pagputi ng Uwak